Pareng Xandrix, Kinover Kita.... ( A Video Coverage for Xandrix Manalili - GMA7 Cameraman )
Автор: The Song Writers Notebook
Загружено: 2023-01-09
Просмотров: 3853
Pare, Kinover kita gamit ang isang lumang Celphone Camera. Alam ko kasing hind naman ito magiging isang malaking Balita para sa iba. kaya ako na lang muna. Dahil para sa aming lahat na nagmamahal sa yo, Ikaw na Pinakamalaking Balita pagpasok nitong bagong taon. Pasensya ka na. Sa Libing mo na lang ako nakapunta. Hindi na tayo nagkita. Hindi na tayo nagkausap. Hindi na kayo nagkita ng pogi mong Inaanak. Huli man daw at magaling... Huli pa rin.. Kung mababasa mo lang to siguradong sasabihin mo kin " Ang korni mo naman , Tol. Sabay tawa. Alam mo Nasaktan ako pre. Biglang parang nag flashback sa kin yung mga naging araw natin ng mga adventures at kalokohan sa panggabing duty ng GMA 7. Yung mga Asaran natin, yung mga Tawa mong pigil, mga kulitan at yung pagiging mabuti mong Kaibigan. Wala na. Lungkot na. Hanggang dito na lang pala. Kaya Ito na lang puede kong gawin . Ang I-Cover ka kahit bandang huli na. Ivideo ka kung saan kita huling nakita na puedeng puntahan at dalawin pa. Madami kaming nalungkot. madami kaming nasaktan dito pero tatanggapin na lang namin to at wala naman kaming ibang magagawa pa. Pero mas mapalad pa rin yung mga matagal mong nakasama. Sana dumating ang panahon na magkita pa tayo ulit. Kahit man lang sa panaginip. Madali ka kasing napagod. kaya Pahinga ka muna ,Tol. Hanggang sa Muling Pagkikita......
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: