It’s Showtime December 26, 2025 | Full Episode
Автор: ABS-CBN It's Showtime
Загружено: 2025-12-26
Просмотров: 17069
This year, muling pinatunayan ni Vhong Navarro na siya ang most competitive of all. One month late man ang birthday prod niya but it was definitely worth the wait! Aba, siya lang naman ang Mr. Suave ng ‘Showtime’ family, kaya ang birthday performance niya, kinarir ala-MAGPASIKAt ang level.
It’s the ‘Vhong Navarro’ dance domination! Binalikan niya ang mga hits na nagpaindak sa buong nation habang pumaparada sa Mother Ignacia! Ksama rin niya ang ‘Showtime’ kids sa dance number na choreographed by his ‘bro’ Jhong Hilario. Balikan ang masayang birthday kaganapan na unang umere nitong February 7.
Magtanim ay ‘di biro. Ang buhay ng magsasaka, puno ng pawis, puno ng tyaga. Sa bukid, bawat butil at bunga ay pinaghihirapan, kaya saludo tayo sa kanilang walang sawang pakikipaglaban. Ang mga itinanim nila, pagkain sa ating mga mesa. Sana sila rin ay palaging busog, hindi man sa yaman, kundi sa pagmamahal at pag-asa. Sa episode na 7nang umere nitong September 30, pahinga muna sila sa init at pagod sa pag-aararo dahil sa “Laro Laro Pick” game arena muna sila naglaro.
May 1k sa pangalan ni Mang Tony. Ang tawag sa kan’ya ay Tony 1k dahil sa nakapulupot na pusod noong ipinanganak siya. Pero, ang totoo’y hirap siyang kumita ng pera, dahilan para maapektuhan ang pag-aaral ng anak. Kasama niya sa studio si Gem, na nangakong magsisikap para mabili ang lupang kinatatayuan ng bahay ng kanilang pamilya. Alas tres pa lang ng madaling araw ay nasa bukid na si Mang Tony. Pero sa kabila ng sipag ay kulang pa rin ang naitatanim at naaani dahil sa kakulangan ng mga imprastraktura na dapat ay ipinagkakaloob ng gobyerno.
Sabi nga ni Vice Ganda, walang maipipintas sa kakayahan at sipag ng magsasakang Pinoy. Skilled sila, at nagsisikap. Pero sadyang kailangan din nila ng tulong, na hindi naibibigay ng mga opisyal o kagawaran na dapat umaalalay sa kanila.
Nilapitan ni Vice si Tatay Eddie, na bakas sa balat at katawan ang araw-araw na hirap sa bukid. Ang mga kamay niya, pagod na pagod na. Sabi ni Meme, kung hindi ka nahahabag sa kapwa mo Pilipino, lalo na sa mga maliliit na tao tulad ng mga magsasaka, baka konsensya mo na ang problema.
Hirap man sa buhay, nakukuha pa rin nilang ngumiti, katulad ni Nanay Veron. Hindi niya mapaayos ang ngipin pero palaging masayahin. At para mas tumamis ang ngiti ni Nanay, sagot na ‘yan ni Vice
Umabante sa final game si Gerry, na malungkot daw ang ani dahil sa mga bagyo at pagbaha. ‘Di napigilang ‘manggigil’ ni Vice Ganda, aniya, napakalayo na ng narating ng korapsyan sa flood control projects. Sa hirap ng buhay, napilitang tumigil sa pag-aaral ang isang anak ni Mang Gerry. Gayunpaman, hindi siya nawawalan ng pag-asa.
Nang piliin ni Mang Gerry ang POT question na nagkakahalaga ng P200,000, naging generous si Meme at nagbigay ng clue sa tanong na, "Sa kantang Bahay Kubo, anong halaman ang pinakahuling binabanggit?” Lahat ay nagbunyi dahil si Gerry, may P200,000 na naiuwi.
Si Aida, si Lorna, o si Fe? Isa lang ‘yan sa mga kantang isinulat at ipinasikat ni Louie Ocampo. At dahil birthday ng Maestro, sa episode na unang umere nitong June 20, isang pagpupugay sa kan’yang makulay na musika ang inihanda ng ‘Showtime’ family niya. Ang mga awitin ni Louie, binigyan ng bagong tunog nina Lyka Estrella, JM Yosures, Reiven Umali, Marielle Montellano, JM dela Cerna, Marianne Osabel, at John Rex Baculfo, na pawang mga produkto ng “Tawag Ng Tanghalan.” Kabilang rin sa kanilang inawit ang “Points of View,” “You Are My Song,” at “Ewan.”
Kung red ay for love at blue ay for chill, dito sa “It’s Showtime,” good vibes is real. Yellow ay saya at green ay ligaya, kaya join na sa tawanan at kanta! “Kahel Na Langit” ang ipininta ni Maki sa kanyang bagong hit. Ibinahagi rin niya ang kuwento sa likod ng awit at naghatid ng good news sa kanyang mga tagapakinig.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: