3 Dahilan kung bakit nahihirapan kang magtiwala sa Diyos
Автор: WOTG - Word On The Go
Загружено: 2022-04-03
Просмотров: 47164
Nasasabi mo ba ito minsan. Hindi fair and Diyos? Kristyano ako pero bakit ganito ang nangyayari sa aking buhay?
Yung asawa ko ay mabuting kristyano din naman, mabuting ama, mabuting asawa, pero bakit sya nagkasakit ng malubha at nanganganib na mawala sa amin?
Hindi ba totoo ang Diyos? Hindi ba Niya iniingatan ang Kanyang mga anak?
Bakit ganito ang ginawa ng aking anak? Bakit kami nagkaproblema ng ganito? Bakit ako nawalan ng trabaho kung kailan pa magkokolehiyo ang aking mga anak? Bakit nagkahiwalay ang aking mga magulang? Bakit nagkasabay sabay ang aking mga bayarin tapus yung aking sasakyan ay nagkaron pa ng sira kung kailan wala kaming pampagawa? Saan kami kukuha ngayun ng pangkabuhayan nalugi ang aming negosyo? Bakit ganon akala ko ba ay mahal kami ng Diyos? Tapos Bakit yung mga hindi naman mananampalataya ay sila pa yung gumiginhawa. Naitatanong mo ba ito sa sarili? Tapos nakakadagdag pa sa agamagam pag naririnig mo ang mga pangiinsulto ng mga hindi mananampalataya sa iyo, yan kasi naniniwala ka pa sa Diyos e hindi naman yan totoo at gawagawa lang yan ng mga tao.
Alam mo mahirap talaga sagutin yung tanong kung bakit dumadaan din sa mga kahirapan ang mga tagasunod ng Diyos. Lalo na pag nararamdaman mo ang kanilang sakit ng kalooban. Pero ito lang ang alam ko, bagamat Malinaw sa Biblia na ang pananampalataya sa Panginoong Hesus ay hindi maggagarantiya ng buhay na walang problema ay ito naman ang maganda dahil ginagarantiya naman Niya na magkakaron tayo ng perfect na buhay na walang hanggan doon sa langit kasama Niya. Wala ng magkakasakit, walang iiyak, wala ng matatakot, wala ng magkakaproblema, wala ng pangangailangan sa pera, wala ng problema sa pagbabayad sa bahay, wala na tayong makakaaway, wala ng mangaapi, wala ng luluha at wala ng kamatayan. Ito ang gina guarantee sa atin ng Diyos.
Kaya sa Biblia kung mapapansin mo ay mas maraming sinulat patungkol sa kahirapan na mararanasan ng mga tagasunod Niya kaysa sa mga tagumpay dito sa lupa kasi hindi ito ang totoong tahanan natin kung hindi sa langit. Kaya wag kang mangamba dahil ang totoong buhay na perfect na kasama ang Diyos sa langit ay hindi pa nagsisimula. At yun ay mararanasan ng mga taong nagtitiwala sa Panginoong Hesus.
Ito ang paguusapan natin ngayun kung anoano ang dahilan bakit ang hirap magtiwala sa Diyos lalo na kung dumadaan ka sa problema at ano ang pwede nating gawin upang magkaron tayo ng tamang pananaw na gaya ng mga nauna nating kapatiran sa Biblia. Tapusin mo ang message na ito upang maiapply mo sa iyung buhay at magkaron ka ng kapayapaan at pagtitiwala sa Diyos.
#nahihirapanmagtiwalasaDiyos #karangalansaDiyos #tagalogsermon #tagaloginspIrational #tagalogBibleverses #tagalogmotivational #tagalogBiblestudy #tagalogpreaching #wotg #Christianvlog #CCF
Support this ministry: https://wotgonline.com/donate/
Ready to Answer: https://bit.ly/readytoansweryt
Message Script: https://bit.ly/3DahilanKungBakitScript
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: