Sina Alma at Amulek ay Naligtas sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Diyos | Alma 8–15
Автор: The Church of Jesus Christ in the Philippines
Загружено: 2021-06-02
Просмотров: 10675
Ang nakababatang Alma na isang propeta sa Aklat ni Mormon ay nangaral sa mga tao sa Ammonihas at itinaboy palabas sa kanilang lunsod. Sinabihan ng isang anghel ng Panginoon si Alma na bumalik sa Ammonihas. Nang bumalik si Alma sa lunsod, tinanggap siya ng isang lalaking nagngangalang Amulek sa tahanan nito at pinahintulutan si Alma na turuan ang kanyang pamilya.
Magkasamang nangaral sina Alma at Amulek sa mga tao sa Ammonihas at iniutos sa mga tao na magsisi. Nagpatotoo si Alma na paparito si Jesucristo sa daigdig upang tubusin ang Kanyang mga tao. Hinikayat sila ni Alma na manampalataya kay Jesucristo, magsisi, at magpabinyag.
Ang mga pinuno sa Ammonihas ay nagalit at sinubukan nilang ibilanggo si Alma, ngunit ipinagtatanggol siya ni Amulek. Tinuruan ni Amulek ang lalaking nagngangalang Zisrom at sinabi niya rito kung bakit paparito ang Tagapagligtas sa mundo. Itinuro niya na dahil sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo, magiging posible para sa lahat ng tao na magkaroon ng walang kamatayang katawan. Si Zisrom ay naniwala sa mga turo ni Amulek at nagsisi.
Ang mga pinuno ng Ammonihas ay nagalit sa mga nananampalataya at kanilang itinapon sila at ang kanilang mga banal na kasulatan sa nagniningas na hukay upang mapatay sila. Pagkatapos ay ibinilanggo ng mga pinuno sina Alma at Amulek at binugbog at kinutya sila sa loob ng maraming araw. Sa huli, hiniling ni Alma sa Panginoon na iligtas sila mula sa bilangguan. Pinabagsak ng Panginoon ang mga pader upang mamatay ang lahat ng tao maliban kina Alma at Amulek.
Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Zisrom dahil akala niya patay na sina Alma at Amulek dahil sa kanyang kasamaan. Pinagaling nina Alma at Amulek si Zisrom, at siya ay nagpabinyag.
Batay sa Alma 8–15.
Mga Video ng Aklat ni Mormon
Ang Aklat ni Mormon: Isa Pang Tipan ni Jesucristo
https://www.churchofjesuschrist.org/s...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: