Si Ammon ay Nagsilbi at Nagturo kay Haring Lamoni | Alma 17–19
Автор: The Church of Jesus Christ in the Philippines
Загружено: 2021-06-09
Просмотров: 8558
Si Ammon at ang mga anak ni Mosias ay nagmisyon upang ituro sa mga Lamanita ang salita ng Diyos. Pinili ni Ammon na mamuhay kasama ng mga Lamanita at maging tagapagsilbi ni Haring Lamoni. Habang pinangangalagaan ng mga tagapagsilbi ng hari at ni Ammon ang mga tupa, sinubukang nakawin ng isang grupo ng mga magnanakaw ang mga ito. Mahimalang ipinagtanggol ni Ammon ang kawan at iniligtas niya ang mga tupa ng hari.
Sinabi ng mga tagapagsilbi kay Haring Lamoni kung ano ang ginawa ni Ammon at kung paanong si Ammon ay mayroong lakas ng maraming tao. Inakala ng hari na si Ammon ang Dakilang Espiritu at hiniling niyang makausap ito.
Sinabi ni Ammon sa hari na siya ay tao lamang. Namangha ang hari kung paanong mayroong gayong kahanga-hangang lakas si Ammon. Sinabi sa kanya ni Ammon ang tungkol sa kapangyarihan ng Diyos, at ninais ng hari na malaman pa ang iba. Itinuro ni Ammon sa hari ang tungkol sa paglikha sa mundo at sa plano ng pagtubos ng Diyos.
Ang hari ay naniwala sa lahat ng sinabi ni Ammon at nanalangin sa Diyos para sa kapatawaran ng kanyang mga kasalanan. Ang hari, ang kanyang asawa, at ang kanyang sambahayan ay nakaranas ng pagbabago ng puso, at tinanggap nila ang ebanghelyo ni Jesucristo. Ang buhay ni Ammon ay mahimalang pinangalagaan nang may magtangkang pumatay sa kanya.
Batay sa Alma 17–19.
Mga Video ng Aklat ni Mormon
Ang Aklat ni Mormon: Isa Pang Tipan ni Jesucristo
https://www.churchofjesuschrist.org/s...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: