COLLEGE | A PoeTraveler | SHENGtel Pein
Автор: Shengtel Peinツ
Загружено: 2025-06-01
Просмотров: 176
Tunay namang mahirap maging estudyante,
pero mas mahirap maging tambay sa kalye,
may nagsasabing diploma’y ‘di importante
basta marunong ka lang daw dumiskarte.
Marahil tama sila sapagkat ito’y kan’lang opinyon,
pero ibang-iba pa rin kapag may edukasyon
sapagkat mailalayo ang sarili sa diskriminasyon
kaya’t anuman ang sabihin ng iba, padayon!
Aminadong mahirap na masarap ang mag-aral
lalo kung may handa pang sa inyo’y magpaaral,
hindi naman natin maitatanggi ang pagkapagal,
pero kung patuloy lang t’yak pagod matatanggal.
Kaya’t sa aming pangalawang taon sa kolehiyo
kailangan talagang sa sariling paa’y tumayo
maging kasingtatag ng puno’t kasingtigas ng kalyo
na bunga mismo ng lakbaying malayo-layo.
Panatilihing kalmado kahit minsan sobrang gulo,
animo’y ‘di alam kung sa’n nga ba dapat umanggulo,
lalo na’t hindi mararating ang inaasam-asam na dulo
kung mas natitipuhan mo sa sulok—nagsosolo.
Ito ang grupong otso na sa aki’y sumaklolo,
dahil sa ako’y bago nangangapa pang makihalubilo,
maraming grupo, masasaya kahit na magulo,
pero sila’y walang pakundangan akong sinalo.
Siraulo’t loko-loko man sa kanila’y naging totoo ako
ibinalik ko ang maganda nilang pagtrato
sapagkat binuo nila ang ilang piraso ng aking kwento
upang maging makulay ang aking buhay kolehiyo.
Paldo ang grupo otso!
Panalo ang kwento.
Plakado!
Plano ni Lord ito!
Padayon!
Kape | Tula | Pahinga
SHENGtel pein ft. painツ
Disclaimer:
No copyright infringement intended.
I do not own the audio in this video. They belong to their rightful owner
#nocopyrightinfringementintended
#kape
#Tula
#pahinga
#collegelife
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: