HANDOG NG PAG-IBIG FUND, MAS MADALI NA NGAYONG MAKAPILI NG ABOT-KAYANG PABAHAY
Автор: HILDA ONG AGARANG SERBISYO LADY
Загружено: 2025-09-09
Просмотров: 39
SA bawat Filipino, ang pagkakaroon ng sariling tahanan ay simbolo ng katatagan, kasiguruhan, at dangal. Kaya naman ang magandang balita na halos 25,000 manggagawang Pilipino ang agad na nagpahayag ng interes sa Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng Pag-IBIG Fund sa loob lamang ng tatlong buwan ay hindi lamang numero, ito ay patunay ng malakas na pagnanais na makamtan ang pangarap na bahay para sa kanilang pamilya.
Ang matagumpay na paglulunsad ng 4PH Online Registration System nitong Hulyo 2025 ay isang makabagong hakbang na tunay na nakahanay sa pangangailangan ng panahon. Sa pamamagitan ng digital platform na ito, mas madali nang magkaroon ng akses ang mga miyembro sa impormasyon, makapili ng mga housing project, at masubaybayan ang kanilang aplikasyon, lahat mula sa kanilang cellphone o computer.
Ang pagiging user-friendly, transparent, at corruption-free ng sistema ay nagbibigay ng kumpiyansa sa mga tao na ang proseso ay patas at tapat.
Hindi rin maikakaila na ang programang ito ay nagbubukas ng mas malawak na oportunidad. Hindi lamang iisang uri ng bahay ang iniaalok kundi may pagpipilian, mula sa condominium units sa mga pangunahing lungsod gaya ng Caloocan, Cavite, at Davao, hanggang sa house-and-lot packages sa subdivision developments. Ang ganitong kalayaan sa pagpili ay nagbibigay-daan sa bawat pamilya na pumili ng tirahan na akma sa kanilang pangangailangan at kakayahan.
Isang positibong aspekto ng programang ito ay ang pagkakaroon ng subsidized interest rates na malaking ginhawa para sa mga karaniwang manggagawa. Sa pamamagitan ng mas mababang hulog at tiyak na interes, nagiging mas abot-kaya ang pangarap ng bahay kahit sa mga pamilya na may limitadong kita. Lalo pang nakakaengganyo ang “early bird promo” para sa unang 30,000 kwalipikadong borrowers na makikinabang sa 3 percent subsidized housing loan rate na fix sa loob ng sampung taon. Ito ay konkretong patunay ng malasakit sa mga mamamayan.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: