Akusasyon ni Imee vs Bongbong 'Un-Filipino' - analyst | DZMM TeleRadyo
Автор: ABS-CBN News
Загружено: 2025-11-17
Просмотров: 173507
Courtesy of DZMM TeleRadyo
Politika mas matimbang kaysa pamilya.
Ito ang nakikitang dahilan ni political analyst Edna Estifania Co kung bakit inakusahan ni Sen. Imee Marcos ang kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos at kanyang pamilya na gumagamit ng droga.
“This is very un-Filipino behavior and practice. Parang hindi usual na ‘yung kapatid o kapamilya mo, kapag-anak mo, nilalaglag mo. Parang hindi ganun yung normal na nakikita natin,” ani Co.
“Mukhang matimbang sa kanya ‘yung kanyang pinaninindigan o pinaniniwalaan na politika so strong para ‘yung mismong kapatid niya ay kwestyunin niya o talikuran niya.”
Ayon kay Co, ang pagtakwil ni Sen. Imee sa sariling kapatid na nagsisikap na magkaroon ng reporma sa bansa “tells more about the kamag-anak na kulang sa pagbibigay suporta.”
“Magre-resulta siguro ito ng isang malupit, masakit na future para sa politika ng isang kapatid na hindi supportive sa reform at sa leadership ng kanyang kapatid,” aniya.
Maaari din magkaroon ng kapatawaran sa pagitan ng Pangulo at ni Sen. Marcos kung magsisisi ang isa.
“Kung may remorse at some point in the future, kung may pagbabago sa ganoong klaseng attitude. Ang pagkakaintindi ko, ang reading ko sa Pangulo, napakababa ng loob nito.Pwede niyang kalimutan, pwede niyang ma-forgive. Pero hindi ko nakikita na may ganoong remorse sa ngayon at only the future will unfold kung ano yung magiging final attitude ng ate sa kanyang nakabubunsong kapatid,” aniya.
“Pero sa Filipino politics, matimbang kasi yung kamag-anak at yung blood ties.”
For more DZMM TeleRadyo videos, click the link below:
• DZMM TeleRadyo 2025
For more ABS-CBN News videos, click the link below:
• ABS-CBN News
For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below:
• The latest news and analysis from ABS-CBN ...
For more News Digital News Raw Cuts, click the link below:
• News Digital Raw Cuts
Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews
Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
http://iwanttfc.com
Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: / abscbnnews
Twitter: / abscbnnews
Instagram: / abscbnnews
#FerdinandMarcosJr
#ImeeMarcos
#DZMMTeleRadyo
#ABSCBNNews
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: