Castro on Imee Marcos: 'Kinalimutan niya ang kapatid niya' | DZMM Teleradyo
Автор: ABS-CBN News
Загружено: 2025-11-17
Просмотров: 39997
Courtesy of DZMM TeleRadyo
Tila kinalimutan na ni Senator Imee Marcos ang kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos Jr. matapos ang kanyang speech sa rally ng Iglesia ni Cristo ngayong Lunes.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, matagal nang sinisiraan ni Senator Imee ang Pangulo “but not to this level.”
“Ano gusto niyang mangyari, talagang tanggalin ang kapatid niya sa posisyon?” tanong ni Castro matapos sabihin nang senadora na gumagamit ng cocaine ang Pangulo.
Ayon kay Castro, tila desperado na si Senator Imee sa gitna nang imbestigasyon ng pamahalaan sa mga maanomalyang flood control projects. “Ibig bang sabihin, marami na kayong tatamaan?”
Masama din ang magiging epekto ng mga sinabi ng senador sa ekonomiya ng bansa, aniya.
Dagdag niya, ni minsan ay wala siyang naririnig na negatibo mula kay Pangulong Marcos patungkol sa kanyang nakakatandang kapatid.
“Ang Pangulo di po ‘yan nagtatanim ng sama ng loob. May narinig ba kayo na anomang negatibo na salita mula sa Pangulo pagdating kay Manang Imee? Wala. Kahit po tayo, kapag tinatanong ko po siya mismo, ’Sir, ano po ang reaksyon niyo dito?’ Magkikibit-balikat lang ‘yan. Hindi ako makakarinig nang anumang negatibo.”
“Pero sumasagot tayo ngayon bilang mandato ko e kalabanin ang fake news. So wala tayong maririnig na negatibo. Open ang Pangulo. Mabait ang Pangulo. So na kay Senator Imee lang ang problema. Naging miyembro siya ng Team Itim e. Kinalimutan niya ang kapatid niya para masama lang sa Team Itim. Problema na niya ‘yan.”
For more DZMM TeleRadyo videos, click the link below:
• DZMM TeleRadyo 2025
For more ABS-CBN News videos, click the link below:
• ABS-CBN News
For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below:
• The latest news and analysis from ABS-CBN ...
For more News Digital News Raw Cuts, click the link below:
• News Digital Raw Cuts
Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews
Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
http://iwanttfc.com
Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: / abscbnnews
Twitter: / abscbnnews
Instagram: / abscbnnews
#DZMMTeleRadyo
#ABSCBNNews
#LatestNews
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: