Episode 2 | Pinoy BL and GL Series: Representation of the LGBTQIA+ community
Автор: Ateneo Human Rights Center
Загружено: 2022-12-30
Просмотров: 150
Noong kasagsagan ng community quarantine bunsod ng COVID-19 pandemic, umusbong ang popularidad ng ilang mga Boys’ Love (BL) at Girls’ Love (GL) series sa Philippine streaming media outlets kagaya ng iWant at YouTube. Ang pag-usbong ng popularidad ng mga LGBTQIA+ themed media contents kagaya ng BL at GL series ay maaaring may implikasyon sa usaping panlipunan kagaya ng gender equality at gender stereotypes sa mga materyal ng media.
Bilang isang napapanahong phenomenon, mahalagang talakayin ang representasyong ibinibigay sa LGBTQIA+ community ng mga BL at GL series. Nakakatulong nga ba ito sa pagtugon sa matagal nang isyu ng gender stereotypes sa media contents gayon din sa pagbibigay diin sa equal civil rights na ipinaglalaban ng LGBTQIA+ community?
Pag-usapan natin yan kasama si Dr. Cherish Aileen Brillon, isang propesor sa UP Broadcast Communication Department at mananaliksik sa mga paksa ng gender, political economy ng media, at popular culture.
Maging kabahagi ng AHRC sa pagsusulong ng karapatang pantao! I-share sa iyong mga social media accounts ang aming AHRC Talks Season 2 episodes! Maraming salamat!
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: